-- Advertisements --

Nakumpiska ng mga otoridad ang nasa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa lungsod ng Bacoor, Cavite kagabi.

Nadakip din mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang lalaki sa parking lot ng isang mall sa lugar.

Sinabi ni PDEA Special Enforcement Service director Levi Ortiz, ang pinagmulan umano ng droga ay isang Chinese national na nakapiit sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Aniya, modus operandi raw ng mga suspek ang paggamit ng isang high-end na sasakyan sa kanilang mga isinasagawang operasyon.

Ginamit muna ng mga suspek ang isang sports utility vehicle (SUV) sa pakikipagkita sa nagpanggap na buyer at saka sila nagpalit ng sasakyan nang ibigay ang droga.

Mariin namang itinanggi ng mga nahuli na dawit sila sa pagtutulak at iginiit na napag-utusan lamang sila.