Naihatid na ng Department of Social Welfare and Development ang aabot sa P70 milyon pesos na halaga ng tulong sa mga residenteng labis na naapektuhan ng nagdaang Carina at hanging Habagat sa bansa.
Ito ang kinumpirma ng ahensya sa ginanap na situation meeting ngayong araw kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, nakapag bigay na sila ng mga family food packs, family kits, hygiene kits, laminated sacks, kitchen kits, at iba pang relief items para sa mga apektadong pamilya.
Sa datos ng ahensya, pumalo na sa 400,000 na pamilya o mahigit 1.5 milyon na indibidwal ang naitalang apektado.
Mula ito sa halos 2,000 na mga Barangay sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon sa Pilipinas.
42000 rin na kahon ng family food packs ang naiabot ng ahensya sa Calabarzon habang 4k hanggang 10k na mga FFPs ang dadalhin sa mga araw na susunod.
Naihatid na rin ng ahensya ang ilang food and non-food items, kung saan tumanggap ng 20,000 financial assistance ang mga individual mula Calabarzon at CAR.