Iniulat ng National Bureau of Investigation -Cordillera Administrative Region ang matagumpay na pagkakasabat ng aabot sa higit P72M na halaga ng Marijuana sa Sitio Sangilo, Camp 4, Tuba, Benguet.
Ito ay sa pagtutulungan na rin ng iba’t-ibang mga local enforcement agency sa naturang lugar.
Ayon sa NBI, aabot sa 600 kilograms na pinatuyong dahon ng marijuana ang nadiskubre na nababalot sa itim na plastic sheets at sako.
Ang mga narekober na iligal na droga ay itinurn-over sa PNP Tuba MPS para sa karagdagang dokumentasyon at ipinasa sa RFU-Cordillera para sa qualitative forensic examination.
Lumabas sa imbestigasyon na ang subject property ay inuupahan ng isang FELIMON na hindi alam ng may-ari na ginamit ito bilang plantasyon ng marijuana.
Mahaharap naman sa mga kasong may kinalaman sa paglabag sa R.A. 9165 si FELIMON at sa kanyang mga kasamahan.