Nasa P8.5 million halaga ng iligal na droga partikular ang ecstasy ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa anti-illegal drug operations sa Pampanga.
Ayon kay PDEA spokesperson Mr. Derrick Carreon, ikinasa ang operasyon bandang alas-8:38 kagabi.
Nanguna sa operasyon ang joint elements ng PDEA Regional Office-III sa Pampanga at Lubao-Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni Carreon na isinagawa ang “controlled delivery” operation malapit sa Morzan Hardware sa Barangay San Roque, Dau, 1st Lubao, Pampanga.
Arestado sa nasabing opersyon ang drug personality na nakilalang si Katrina Mendoza Legaspi “a.a.a” Chatmaine Valencia Bacani, residente ng Barangay Vetis Gua Gua, Pampanga.
Nakumpiska sa posisyon ni Legaspi ang nasa 5,000 ecstasy tablets.
Kasong paglabag sa anti-illegal drugs ang kahaharapin ng babaeng suspek.