Tinatayang nasa P8.1 million pesos halaga ng shabu an nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-9) sa pakikipag-ugnayan sa mga tauhan ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) sa isang buy and sell na negosyante
Ikinasa ang buy-bust operation kaninang alas-7:30 kaninang umaga, February 24,2019 sa may Uranus Street, Dulaca Drive , Barangay Tumaga, Zamboanga City.
Naaresto ang negosyante na nakilalang si Sofia Ibno, 32 years old habang nakatakas naman ang isang Medson Kalim.
Nakuha sa posisyon ni Ibno ang nasa 1.3 kilos na hinihinalaang shabu.
Inamin naman ni Ibno na ito ang unang beses na nagbensta siya ng iligal na droga.
Dating residente si Ibno ng kalapit na bayan ng Siocon, Zamboanga Del Norte.
Hindi rin pamilyar ang mukha ni Ibno sa mga lokal na opisyal ng Zamboanga City.
Ayon pa sa PDEA ilang mga drug suspek na nahuli sa magkakasunod na operasyon kamakailan ay galing pa sa ibang lugar at dumarayo lamang sa siyudad.
Hindi pa matukoy ang pinagmulan ng pinakabagong nakumpiskang droga.
Nakuha sa posisyon ng suspek ang nasa more or less 1.2 Kgs (One (1) large pack na shabu; apat na medium at limang maliliit na sachets ng hinihinalaang shabu at P1,300,000 pesos boodle money with
Kasalukuyang nakakulongsa PDEA-9 detention cell ang suspek para isailalim sa inquest proceedings.
Pinuri naman ni PRO-9 regional police director, CSupt. Emmanuel Licup ang mga police at PDEA operatives dahil sa matagumpay na operasyon.