CEBU CITY – Hinahanap na ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency)-7 at ng PNP (Philippine National Police) ang isang marijuana cultivator matapos na nasabat ang mahigit P8-million na halaga ng nasabing tanim sa isinagawang operasyon sa Sitio Udlom, Barangay Cabasiangan, sa bayan ng Balamban, Cebu.
Sa naganap na operasyon, kinilala ang tagapag-alaga ng marijuana plantation na si Jhonrick Coca.
Batay sa ulat ng PDEA-7, dali-daling tumakas ang pinaniwalaang cultivator matapos itong namataan ng operatiba.
Binunot at agad na sinunog ang higit 21,000 na fully-grown marijuana plants at nagkakahalaga ito ng P8.4-million.
Kapag nahuli ang nasabing cultivator, nahaharap ito sa kasong paglabag sa Section 16, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act o Republic Act 9165.