-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Agriculture na aabot sa ₱866.34-million ang kabuuang halaga ng mga agricultural inputs ang naipamahagi ng ahensya sa mga sakahan na labis naapektuhan sa naging pananalasa ng bagyong Marce.

Partikular na tinukoy ng ahensya ang mga rehiyon ng Ilocos at Cagayan Valley.

Ayon sa ahensya, kabilang sa naturang halaga ng agri inputs ay mga bigas, mais at maging mga fertilizer discount voucher.

Namahagi rin ang DA ng native chicken pati na ng mga muscovy duck.

Ipinagkaloob na rin para mga magsasaka na naapektuhan ng bagyo ang kanilang Indemnification checks .

Ito ay binubuo ng mga magsasaka na insured sa Philippine Crop Insurance Corporation na nasa ilalim ng DA.

Batay sa datos ng DA, aabot sa kabuuang ₱277.75-million ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa bagyong Marce.