Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development na sumampa na sa mahigit P87 milyong halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi ng ahensya sa mga pamilyang apektado ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng umiiral na sherline sa Mindanao.
Sa isang pahayag, sinabi ni Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez na kabilang sa kanilang mga ipinamahagi ay mga pagkain, non-food items.
Kabilang sa mga lugar na naabutan ng tulong ng ahensya ay ang mga pamilya sa Caraga at Davao Regions
Batay sa datos ng ahensya, may kabuuang 129,469 family food packs na naihatid ng DSWD sa mga apektadong pamilya dahil sa sama ng panahon sa mga lalawigan ng avao de Oro, Davao del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental, at Agusan del Sur.
Namahagi rin ito ng mga hygiene kits, sleeping kits, family kits, modular tents, at mga non-food item sa affected families sa nasabing probinsya.
Kung maaalala, nitong enero lamang ng kasalukuyang taon ay nakapagtala ang ahensya ng aabot sa 223,313 na apektadong pamilya.
Katumbas ito ng 930,505 na indibidwal mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Northern Mindanao, Davao, at Caraga Regions.
Sa numerong nabanggit, may 133 pamilya o 430 indibidwal ang pawang nawalan ng tirahan at kasalukuyang nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation center habang ang iba naman ay nakikituloy sa kanilang mga kaanak.