Tuluyan nang winasak ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang higit P9.B na halaga ng ilegal na droga.
Ito ay isinagawa ng ahensya sa Integrated Waste Management, Inc., Barangay Aguado, Trece Martires City, laalwigan Cavite.
Ayon sa PDEA, sinira nila ang bulto ng droga na nasakote kamakailan sa isinagawang checkpoint sa Alitagtag, Batangas kamakailan.
Sa pamamagitan ng thermal decomposition, tuluyang sinira ang mga ito para hindi na mapakinabangan at magamit.
Saksi sa naging proseso ang mga kinatawan mula sa Department of Justice Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, at mga lokal na opisyal sa lugar.
Siniguro naman ng PDEA sa publiko na magpapatuloy ang kanilang mabilis na aksyon upang masira ang mga nasasamsam na ilegal na droga sa bansa.
Ginagawa lamang ito matapos na magamit ng korte ang mga droga sa paglilitis ng isang partikular na kaso bilang ebidensya.