ILOILO CITY-Umabot sa higit P9.5 million ang pinsala matapos nasunog ang higit sa 37 stalls sa Dumangas Public Market sa Dumangas, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay SF04 Antonio Patiño Jr., Fire Marshall ng Dumangas Fire Station, sinabi nito na posibleng electrical short circuit ang dahilan ng sunog sa nasabing public market.
Lumalabas sa imbestigasyon ayon kay Patiño na sa kisame ng public market nagsimula ang sunog ngunit hindi rin naman isinasantabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na mayroong nagsindi ng kandila o open flame sa lugar na napabayaan.
Inihayag rin ni Patiño na gawa sa light materials ang stalls dahilan upang madaling kumalat ang apoy.
Sa kabila nito, dumepensa rin ang opisyal hinggil sa reklamo ng vendors na isang firetruck lamang ang unang rumesponde sa sunog.
Ayon kay Patiño, tatlo ang firetruck ng Dumangas BFP ngunit dalawa lamang dito ang ginagamit dahil sira ang isang firetruck.