KORONADAL CITY – Umabot sa mahigit P7 milyon ang naitalang pinsala sa pagkakasunog ng ukay-ukay stalls sa public market sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Ito ang inihayag ni SFO1 Philip Chan, Information Officer BFP Polomolok sa interview ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay SFO1 Chan, nagsimula ang sunog sa isang stall ng ukay-ukay section sa 2nd floor ng public market.
Nasa 33 mga ukay-ukay at RTW vendors ang apektado ng sunog matapos na naabo ang mga produktong ibenibenta ng mga ito.
Una nang lumabas ang report na electrical wiring ang dahilan ng sunog ngunit patuloy pa nga beneberipika ng BFP ang totoong pinagmulan ng apoy.
Nangako naman si Polomolok Mayor Bernie “Jojo” Palencia na magbibigay ng tulong sa mga apektadong vendors.
Kasabay nito, nanawagan naman ang BFP Polomolok sa mga mamamayan na sakaling may mangyaring sunog e-report agad sa kanila bago kumuha ng video upang maagapan ang paglaki ng apoy.