ILOILO CITY – Umaabot na sa 11 mga bayan sa Iloilo Province ang apektado ng African Swine Fever.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Darel Tabuada, head ng Iloilo Provincial Veterinary Office, sinabi nito na ang pinakahuling nadagdag sa talaan ay ang bayan ng Banate at Barotac Viejo.
Ayon kay Tabuada, ang bayan sa Iloilo na may pinakamataas na kaso ng African Swine Fever ay ang Oton na may 31, sinusundan ng Sta Barbara na may pito, San Miguel at Leganes na may anim, New Lucena na may apat, tig-dadalawa naman sa Alimodian, Mina, Barotac Nuevo, Banate at Dumangas at isa naman sa Barotac Viejo.
Sa kabuuan anya, 65 na mga barangay na sa iba’t-ibang bayan sa Iloilo Province ang apektado na ng nasabing sakit.
Nanawagan naman si Tabuada sa mga hog raisers na kaagad na ipagbigay-alam sa mga otoridad sakaling may mamonitor na sintomas ng African Swine Fever sa kanilang alagang baboy.