-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa augmentation assistance sa mga lalawigan at lokal na pamahalaan na magre-request kasabay ng pinangangambahang epekto ng Bagyong Odette.

Sapanayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Marites Quismorio, head ng Disaster Response Management Division ng DSWD Bicol, may stockpile sila sa warehouse na 27, 661 family foodpacks.

Ongoing naman ang pagrepack ng nasa 5, 000 pang additional foodpacks at handa na rin sa pagbili ng raw materials na gagamitin sa aabot sa 30,000 kung kukulangin ang mga naka standby na goods.

Maliban dito ay nakahanda rin aniya ang central office sa pagdeliver kung marami ang nangangailangan na mabigyan ng assistance.
Subalit ayon kay Quismorio, wala pa namang LGU na nagpapadala ng request.

Kinakailangan lang aniyang magpasa ng disaster report at request letter upang maaprubahan ang request.