-- Advertisements --

COTABATO CITY — Nakumpiska sa isinagawang anti-smuggling operations ng kapulisan ng bayan ng Sultan Mastura katuwang ang PIU- Maguindanao Del Norte PPI at 4th MP, 1st PMFC ang dalawamput-dalawa (22) na kahon ng puslit na sigarilyo sa barangay Simuay Seashore, bayan ng Sultan Mastura Maguindanao Norte dakong alas-sais trenta’y singko kagabi.

Nang matunugan ng mga suspek ang mga huhuli sa kanilang autoridad, inabandona na lamang nito ang mga illegal na kontrabando.

Tinataya namang aabot sa PHP 346,500 ang halaga sa merkado ng naturang smuggled cigarettes.