Napagsilbihan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang higit nasa 543,000 na mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa kanilang 24/7 free lounge bilang bahagi ng kanilang pasasalamat sa mga modern heroes ng makabagong henerasyon.
Ayon sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), target ngayon ng ahensya na makapagsilbi ng 600,000 na mga OFW’s ngayong Pebrero.
Batay kasi sa average arrivals ay nasa higit 1,300 na mga OFW ang dumarating araw araw sa NAIA Terminal 1 habang 1,200 naman ang araw araw na datos ng arrivals ng mga ito sa Terminal 3.
Sa ngayon ay tuloy tuloy na nais mapagserbisyuhan ng ahensya ang mga OFW ng libre sa lounge na ito kung saan mayroong ibat’ibang klase ng pagkain, may Wi-Fi connection at mga charging areas.
Samantala, ito naman ay batay na rin sa kolaborasyon ng OWWA, Department of Migrant Workers (DMW), ng mababang kapulungan at ng Manila International Airport Authority (MIAA).