-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya makaraan na nakawan ng alahas at pera ang isang bahay sa Kalibo, Aklan.

Batay sa ulat mula sa theft and robbery section ng Kalibo Police Station, nilimas ng magnanakaw ang alahas na nagkakahalaga ng P80,000 at P100,000 na cash money sa bahay ng biktimang si Anabelle Antonio, 52, at residente ng Sitio San Nicolas, Barangay New Buswang sa naturang bayan.

Una rito, umalis umano ang buong kaanak kung saan, nakasanayan ng mga ito na isabit ang duplicate ng susi ng bahay sa kanilang main door.

Pinaniniwalaan na nadiskubre ito ng mga magnanakaw kaya nagtagumpay sa maitim na balak.

Nabatid na ang biktima ay nagmamay-ari ng isa sa mga jewelry shop sa Kalibo.