Umabot na sa higit 10 katao ang namatay sa India.
Ilan sa mga ito ang naitalang nasawi sa government hospital sa Odisha’s Rourkela habang tatlo sa election officers at isang pulis sa Bhojpur district ang namatay nang dahil sa heat stroke.
Ito ay matapos na umakyat sa 45-46°C init ng temperatura rito habang sa mga nakaraang linggo ay umabot na sa 50°C ang heat index ng ilang lugar sa nasabing bansa.
Kasabay niyo ang pagkawala ng kuryente at gayundin ang kakulangan nito sa tubig.
May pagkakataon din na dahil sa matinding pagtaas ng temperatura ay nagsa-sanhi na ito ng sunog at ginagamitan na lamang ng awtoridad ng ‘drone’ upang bantayan at masubaybayan ang mga sunog sa kagubatan sa Jammu at Kashmir.
Sa kabila ng pagkakaroon ng mga medical center o facilities ay hindi pa rin ito naaagapan at nawawalan ang mga ito ng malay at kalauna’y ikinasasawi ng kanilang mga buhay.
Dahil dito, itinuturing na ng India’s National Centre for Disease Control ang heat stroke bilang isa sa “life-threatening” na may mortality rate na 40 to 64%.