Mapakikinanbanag na ang aabot sa 28.9-megawatt Palayan Binary Geothermal Power Plant matapos itong buksan ng Energy Development Corporation.
Ayon sa ahensya, ito ay inaasahang makapagbibigay ng karagdagang suplay ng kuryente sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Energy Development Corporation president at chief operating officer Jerome Cainglet na ang Palayan Binary Geothermal Power Plant ay parte lamang ng pinalawak na 140 MW Bacon-Manito facility ng ahensya.
Panahon pa ng Covid-19 pandemic ng simulan ang konstruksyon nito habang aabot naman sa 7 billion pesos ang inilaan ng EDC para sa nasabing proyekto.
Paliwanag pa ng opisyal na malaking tulong proyektong ito para maiwasan na ang pagkakaroon ng 72,200 metric tons ng carbon emissions taon-taon .
Aabot rin sa 75% ang maibabawas nito sa greenhouse emission pagsapit ng taong 2030.