-- Advertisements --

Makakaranas ang ilang parte ng hilagang Luzon ng maulang panahon dala ng shear line ayon sa state weather bureau.

Kabilang dito ang mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at sa probinsiya ng Aurora.

Habang maalinsangang panahon naman sa pangkalahatan ang mararanasan sa nalalabing parte ng Pilipinas na may posibilidad ng isolated thunderstorms mula hapon hanggang gabi dahil sa easterly winds.

Paliwanag ni weather specialist Obet Badrina magdadala pa rin ang easterlies ng medyo mainit na tanghali sa ating bansa habang mas malaking tiyansa ng pulo-pulong pagkidat at pagkulog bandang hapon hanggang sa gabi na kadalasang tumatagal ng isa hanggang 2 oras.

Samantala, walang low pressure areas ang namonitor sa loob at labas ng Philippine area of responsibility (PAR) at mababa ang tiyansa na may mamuong bagyo sa weekend.