-- Advertisements --

ILOILO CITY – Magiging kakaiba ang Miss Iloilo 2023 ngayong taon kun ihambing sa mga nakaraang pageant.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Professor Kevin Piamonte, pageant director ng Miss Iloilo, sinabi nito na gagamit ng native language na Kinaray-a at Hiligaynon ang mga kandidata.

Ayon kay Piamonte, sa question and answer portion, bibigyan ng pagkakataon ang mga kandidata na magpahayag ng kanilang saloobin at sagot sa lengwahe na kanilang nakasanayan.

Anya, kagaya rin sa Miss Universe ito kung saan may mga kandidata na gumagamit ng kanilang sariling lengwahe sa halip na magsalita ng englis.

Magiging host naman ng event si Marco Gumabao at Miss Grand International 2016 1st Runner-Up Nicole Cordoves.