BUTUAN CITY – Umani ng samu’t saring reaksyon ang ma-init na isyung ‘Bakuna Muna bago eskwela’.
Napag-alamang ang nasabing linya ay nakasulat sa liham na ipinaabot sa isang magulang sa Department of Education o DEpEd matapos itakda ani Education Secretary Leonor Briones ang pagbubukas sa klase sa Agosto a-24 sa kabila ng Covid19 pandemic.
Karamihan sa mga reactors at mga callers sa ginawang ‘telephone marathon’ ng Bombo Radyo Butuan ay hindi sang-ayon sa itinakdang pagbubukas ng klase at naninindigan na hindi nila papaaralim ang kanilang mga anak kung wala pang bakuna.
Ayon pa sa kanila, hindi nila ilalagay sa alanganin ang buhay ng kani-kanilang mga anak lalo na’t nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa susunod na taon na itakda ang pagbukas nito.
Base sa obserbasyon, hindi pa malilinis sa COVID-19 ang Pilipinas sa panahong yon lalo na’t nilinaw naman ng World Health Organization na matatapos lamang ang krisis kung may bakuna na laban sa nasabing virus.
Ayon sa isang reactor, ang mga magulang na siyang unang guro sa kanilang mga anak, marami umanong mga nakatapos sa pag-aaral na walang trabaho habang may nagpahayag rin na pagsasayang lamang ng panahon at pera ang pagbubukas ng klase sa Agosto.
Samantala, dumipensa naman ang reactor na guro kung saan ibinunyag nito ang kanilang ginawang seminar online upang maging handa sa tatlong options na nakita ng DepEd sa pagpapatuloy sa edukasyon as pamamagitan ng modular, traditional ngunit hindi na limang araw sa isang lingo ang pasok pati ang online.