-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hindi sang-ayon si Cotabato Governor Nancy Catamco sa rekomendasyon at kahilingan ng LGU-Pigcawayan na isailalim ang bayan sa Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Gov Catamco wala umanong local transmission sa mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) sa bayan ng Pigcawayan.

Kung mayroon man na Covid 19 positive case ilan sa kanila ay Locally Stranded Individuals (LSI) o kaya nahawaan sa pagamutan.

Matatandaan na nais ng lokal na pamahalaan ng Pigcawayan Cotabato na ibalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula sa kasalukuyang Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang bayan ng Pigcawayan.

Ito ang pinag-isang rekomendasyon ng mga opisyal ng bayan ng Pigcawayan sa pangunguna ni Mayor Jean Roquero, pulisya, mga health workers at ibat-ibang sektor ng lokal na pamahalaan.

Dulot ito nang patuloy na paglobo ng bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19).

Ang rekomendasyon ng LGU-Pigcawayan ay isinumite sa Provincial Inter-Agency Task Force on Covid 19 at kay Cotabato Governor Nancy Catamco.

Nagpalabas agad ng saloobin si Gov Catamco at hindi pinaboran ang kahilingan ng LGU-Pigcawayan.