-- Advertisements --
Binawi na ng Department of Energy (DOE) ang hiling nito na i-extend ang election holiday isang araw matapos ang halalan sa May 13.
Ito ang kinumpirma ni Energy spokesperson Usec. Wimpy Fuentebella sa kabila ng naunang babala nito na posibleng humina ang supply ng enerhiya sa May 14.
Ani Fuentebella, wala na silang nababatid na brownout sa pagsisimula ng election canvassing bagamat balik operasyon na rin sa Martes ang mga establisyemento at kompanya na makikihati sa pag-konsumo ng kuryente.
Dagdag pa nito, mababa ang inaasahang demand gayundin na may panaka-nakang ulan kamakailan.
Nauna ng humirit ang DOE sa extension ng election holiday para matiyak na sapat ang enerhiya para sa transmission ng mga resulta ng botohan.