Muling naghain ng petisyon ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) hinggil sa kawalan umano ng aksyon ng Manila Water sa kanilang hiling na magkaroon ng diskwento ang mga consumer nito.
Ito’y kasunod ng water shortage issue noong nakaraang buwan.
Personal na inihain ni Bayan Muna secretary general Renato Reyes ang rejoinder kaugnay ng nauna nilang hiling na patawan ng parusa ang kompanya.
Kamakailan nang ihain ng grupo ang 21-pahinang petisyon matapos mabigo ang Manila Water sa mandato nitong bigyan ng serbisyo ang kanilang mga consumer ng walang aberya.
“Given the open, voluntary commitment of Manila Water, the MWSS, particularly its chief regulator, cannot now say that it has no power to exact any form of restitution or compensation from Manila Water arising from the period of service interruption.”
“It should be noted that the Manila Water, facing intense public backlash, has conceded to provide some relief in the water bills of affected customers during the periods of service interruption.”
Humiling din ang petitioners na ikonsidera ng MWSS ang suspensyon o pagkansela sa kakaapruba lang na rate hike ng kompanya.
“The discussions during the rate rebasing period on issues surrounding the east concession area have not been as thorough as now.”
“The business plan submitted by Manila Water and approved by MWSS now appears flawed and has resulted in an unprecedented water crisis.”
Nauna ng sinabi ng regulatory body na kukumbinsihin nila ang kompanya na huwag munang singilin ang nasa higit 6-milyon nitong customer hangga’t hindi bumabalik sa normal ang supply ng tubig.
Pinag-aaralan na rin daw ito ng Manila Water.