Tinanggihan ng Department of National Defense (DND) ang hiling ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na sa military facility ito ipa-kustodiya imbes na sa PNP.
Mula pa kasi noong linggo ng gabi ay nasa kustodiya ng PNP sa Camp Crame sina Quiboloy kasama sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Cresente Canada at Sylvia Cemanes.
Nitong Lunes ay naghain ng motion si Atty. Israelito Torreon ang legal counsel ni Quiboloy ng motionsa pagpapalipat ng kustodiya sa AFP.
Sinabini DND spokesperson Arsenio Andolong na ang pasilidad ng AFP ay hindi tamang ahensiya para sa pagkustodiya ng mga suspek sa nasabing kasong kriminal.
Si Quiboloy at limang co-accused nito ay nahaharap sa child abuse sa korte sa Davao City kung saan ang isa sa mga suspek na si Pauline Canada ay nasa kustodiya ay nasa ilalim ng otoridad mula pa noong Hulyo.
Bukod pa dito ay may standing warrant of arrest si Quiboloy sa kasong human trafficking na inilabas ng Pasig City court.