Pinag-aaralan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hiling ng mga bread at canned sardines manufacturers na taasan ang suggested retail prices (SRP).
Sinabi ni Assistant Secretary Ann Claire Cabochan ng Consumer Protection Group ng ahensya na ang mga gumagawa ng tinapay ay nais ng mas mataas na SRP upang masakop ang pagtaas ng mga gastos ng trigo.
Dagdag pa ni Cabochan na tumaas na ang SRP ng mga manufacturer ng sardinas nang huling maglabas ng SRP bulletin ang DTI noong Mayo 11.
Nabanggit niya, gayunpaman, na ang ilang mga manufacturers ay humihiling pa rin ng karagdagang pagtaas dahil sa pagtaas ng mga costs of fish.
Nilinaw naman ng opisyal na sisikapin nilang panatilihin sa pinakamababa ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Magugunitang ang inflation ay tumaas sa 5.4 percent noong Mayo habang ang mga presyo ng pagkain at gasolina ay patuloy na tumaas nang husto.