-- Advertisements --
Kinatigan ni Senadora Risa Hontiveros ang nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magkaroon lamang ng simple at hindi magarbong pagdiriwang ng christmas party sa lahat ng ahensya ng gobyerno.
Ito’y sa gitna na rin ng naranasan ng bansa at ng ating mga kababayan na lubhang naapektuhan at nawalan ng ari-arian dahil sa pananalasa ng bagyo.
Umaasa si Hontiveros na sundin ito simula sa opisina ng pangulo pababa sa mga local government units na obserbahan ang simpleng paggunita ng christmas party.
Bukod aniya sa pakikiisa sa mga Pilipinong naapektuhan ng bagyo, ito rin ay pagtalima sa batas na silang mga empleyado ng gobyerno ay magkaroon ng simpleng pamumuhay.