Tinanggihan ng Philippine National Police (PNP) ang hiling ni Senate President Vicente Sotto III para payagan si Sen. Leila De Lima para magsagawa ng pagdinig sa loob ng Custodial Center na may kaugnayan sa kaniyang komite.
Sa sulat na ipinadala ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde kay Sen. Sotto bilang sa sagot sa hiling nito na na ikinalulungkot ng PNP na hindi nito mapagbigyan ang hiling ng senador dahil sa estado ng senadora na nakakulong kung saan ipinagbabawal nito na gampanan ang kaniyang propesyun bilang isang opisyal ng pamahalaan.
“Consequently, any matter pertaining to requests to exercise her legislative functions as an elected senator and conduct committee hearings for such purpose is a matter for the Court having jurisdiction over her pending case/s to decide,” pahayag ni Albayalde sa sulat.