Natunton ngayon ng Amerika na patungo na ng bansang Syria ang Iranian oil tanker Adrian Darya-1 na naunang binihag at hinarang ng Gibraltar.
Bago lumutang ngayon ang satellite images, naunang nag-post si John Bolton, ang U.S. national security adviser sa social media ng black and white image ng barko.
“Anyone who said the Adrian Darya-1 wasn’t headed to #Syria is in denial,” ani Bolton.
Sa nakuhang mas malinaw na larawan ng The Associated Press mula sa Maxar Technologies ay nagpapakita ang imahe ng naturang oil tanker.
Sa ngayon hindi pa inaamin ng Iranian officials na ang barko ay patungong Syria.
Sinadya rin daw kasing i-turn off ng barko ang Automatic Identification System nito.
Nagpaliwanag naman ang mga otoridad sa Gibraltar na hinuli nila ang naturang barko dahil sa pangamba na lalabagin nito ang sanctions na ipinataw ng European Union.
Sa kalaunan pinalaya rin ang ang oil tanker matapos mangakong hindi magtutungo ang barko sa Syria.