-- Advertisements --

Nakipagpulong si vaccine czar at IATF chief implementer Carlito Galvez sa ilang malalaking grupo ng mga medical workers sa bansa pati na sa ilang opisyal ng mga ospital.

Sa ulat ni Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng IATF meeting, ipinaabot umano ng mga medical groups ang ilang mga hinaing at kung paano mahahanapan ng solusyon ang kinakaharap na problema sa healthcare system ng bansa.

Kabilang na aniya rito ang problema ng ilang mga ospital na hindi pa rin nababayaran ng PhilHealth.

hcw doctors

Ayon kay Galvez, malaki umano ang magagawa sa reimbursement ng PhilHealth dahil hindi lamang sa mga benipisyo ng mga healthcare workers mapupunta ito kundi may magagastos sa mga pangangailangan ng mga ospital.

Sinabi naman ng kalihim na nakausap na rin niya si PhilHealth chief Dante Gierran na kung maaari ay unahin na mabayaran ang malalaking hospitals na COVID referral centers.

Samantala, ukol naman sa halos pagkaubos na ng gamot sa COVID patients na anti-inflammatory drug na tocilizumab, patuloy din umano ang pakikipagpulong ni Sec. Galvez sa ambassador ng Switzerland na iisang lamang pala ang nag-susuplay ng ganito gamot na sa buong mundo na pharmaceutical giant na Roche.

Ang iba pang usapin na problema sa mga ospital tulad sa oxygen cylinders, reefer vans na paglalagyan ng mga cadavers ng COVID patients at ang kakulangan ng mga medical personnel sa mga ospital ay pinag-usapan din.

Ang nakikitang solusyon umano para matiyak ang sapat na oxygen ay ang pagpapabilis sa oxygen production plant sa mga major hospitals.

Muli namang kinilala ni Sec. Galvez ang kabayanihan ng mga healthcare workers na hanggang ngayon ay patuloy na hinaharap ang giyera sa pandemya.

Kaugnay nito, tiniyak ng Pangulong Duterte na hahanap siya ng paraan para makapag-recruit ng mga doctor at nurses na merong sapat na mga benepisyo.