-- Advertisements --
cebu fire suspect

CEBU CITY – Hinihinala ng Cebu City Fire Department na maaaring arson ang dahilan nang pagkatupok sa humigit-kumulang 25 mga bahay sa isang malaking sunog kahapon sa Sitio Panagdait, Brgy. Kasambagan, Cebu City.

Halos anim na oras nang nakipagbuno ang mga bombero sa malaking apoy kung saan aabot sa kalahating milyong piso ang natala nitong danyos.

Unang sumiklab ang sunog sa oras na alas-3:15 ng hapon kung saan itinaas ito sa third alarm at kalaunan ay naapula naman ito pasado alas-9:00 ng gabi.

Ayon sa fire investigator na si Fire Officer 2 Emerson Arceo na sumiklab ang apoy mula sa pamamahay ni Guillermo Canabe Sr.

Dagdag pa ni Arceo na natagpuang patay ang isang mentally-ill person at napag-alamang hindi makalabas sa kanyang tirahan nang mangyari ang malaking sunog.

Nahuli naman ang suspek sa naturang sunog na si Jongjong Canabe at inamin naman nito kinalaunan ang dahilan ng naturang trahedya.

Ayon kay Jongjong na pagkatapos na makipagtalo sa kanyang ama na si Canabe Sr., sinadya umano nyang palakasin ang apoy na nasa LPG butane stove hanggang sa sumiklab ito.

Kaya naman humingi ng paumanhin ang suspek sa mga nasunugan mula sa nasabing barangay.

Ikinustodiya ngayon ng Mabolo Police Station ang naturang suspek habang nagpalipas ng gabi ang mga apektadong residente sa isang evacuation center.