BUTUAN CITY – Off limits na para sa mga tao ang Hinatuan Doppler Radar Station, isang landmark na nasa sentrong parte sa bayan ng Hinatuan, na syang reference point sa weather disturbance.
Kinordon na ito ngayon matapos malaman sa isinagawang assessment ngmga tauhan ng Department of Public Works and Highways na hindi na ligtas ang nasabing istraktura dahil sa dami na ng mga cracks nito.
Matapos ang ocular inspection, ini-ulat ng Department of Public Works and Highways ang severe damage sa doppler radar station na makonsiderang delikado sa kaligtasan ng publiko pati na ang mga buildings na nakapaligid nito.
Patuloy din ang isinagawang building inspection ng mga tauhan ng Municipal Engineering Office sa lahat ng mga establisamiento matapos itong ini-utos ni Mayor Shem Garay, upang matumbok ang mga imprastrakturang ligtas at yaong nangangailangan na ng repair.