-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Isina-ilalim na sa state of calamity ang bayan ng Hinatuan, Surigao Del Sur, ang epicenter sa magnitude 7.4 na lindol nitong Sabado ng gabi dahil sa malawakang danyos na hatid nito.

Ito’y sa pamamgitan ng Resolution Number GC-621 Series of 2023 na inaprubahan nga Sangguniang Bayan sa Hinatuan sa isinagawang special session kahapon sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Tito Cañedo III.

Una nang inirekomenda ni Municipal Mayor Titing Garay,  Chairman ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagpapa-ilalom sa kanilang bayan sa state of calamity upang mapadali ng municipal government ang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente lalo ang agaran nilang pagrekober gamit ang kanilang calamity fund.

Napag-alamang umabot sa 11-libong mga pamilya o 41-mil na mga indibidwal ang apektado sa malakas na lindol sa nasabing bayan at tinatayang aabot naman sa 88-milyones pisos ang danyos sa mga nasirang kabahayan sa 24 mga barangays.