-- Advertisements --

Hindi aarestuhin ng local law enforcers ang sinumang mahuhuling magsusunog ng mga effigy kapag nag-protesta sa Lunes, Hulyo 22, sa araw mismo ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasabay ng pagbanggit ng Batas Pambansang Bilang 880 o “The Public Assembly Act of 1985” na nagsasaad na ang “malicious burning” ng anumang bagay sa kalsada sa loob ng 100 metro mula sa lugar ng public assembly ay ipinagbabawal.

Nag-isyu na ng permit si Belmonte sa mga pro-government at anti-government groups na magpoprotesta at kontra-protesta sa araw ng SONA.

Ang grupong anti-goverment ay magsasagawa ng kanilang protesta malapit sa Diliman Doctors Hospital sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Samantala, magsasagawa ng kanilang aktibidad ang pro-government group malapit sa Sandiganbayan, sa kahabaan din ng Commonwealth Avenue.

Saad pa ng Alkalde, hindi pwedeng mag-rally nang walang rally permit.