DAVAO CITY – Hindi pa rin makapaniwala si Zoren Matulin Daño na kabilang siya sa mga top notchers sa kakalabas lang na resulta ng Licensure Examination for Teachers. Ayon sa bagong guro na nag-aral mula sa Governor Generoso College of Arts Sciences and Technology o GGCAST sa bayan ng Gov. Generoso, Davao Oriental na lubos ang kanilang kasiyahan nang malaman nito na kabilang sa ito mga pumasa Secondary LET exam.
Si Zoren Danyo ang nakakuha ng 91 percent na marka at naglagay sa kanya sa 10th place.
Dagdag pa nito nga hindi niya inakala na masundan niya ang 7th placer sa nakaraang taon sa kaning eskwelahan. Sinabi pa ng bagong guro sa sekondarya na hindi siya ” achiever” na estudyante.
Sa katunayan umano, hanggang with honors lang ang kanyang natanggap ni minsan hindi ito nakatanggap ng anumang academic awards.
Binigyang diin ng 10th placer sa LET exam, na hindi gawing basehan kung ano man ang eskwelahan na kung saan ikaw ay nagtapos sa iyung pagaaral.
Payo naman nito sa kapwa mag-aaral at sa lahat na magtiwala lamang sa sarili at chill lang sa buhay huwag magmadali sa buhay.
Sinabi naman nito na katuwang sa kanyang tagumpay na inaasam ngayun ay ang tulong sa kanyang pamilya at mga kaklase lalung-lalo na sa pag-review at higit sa lahat ang dakilang Panginoon.
Sa ngayon nakatuon muna siya sa kanyang sarili at pamilya sa pamamagitan nga pag-relax at balak nito sa susunod na mga araw na magturo sa kanyang Alma Mater para na rin makatulong ito sa mga mag-aaral.