ILOILO CITY – Nagwala at nagsagawa ng noise barrage ang hindi bababa sa 100 mga preso sa Iloilo District Jail Male Dormitory sa Nanga, Pototan, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Jairus Anthony Dogelio, spokesperson sang Bureau of Jail Management and Penology Region 6, sinabi nito na umalma ang mga preso at umakyat sa bubong ng kulungan dahil hindi sila umano pinapakain ng tama.
Ayon kay Dogelio, inirereklamo rin ng mga preso ang pagpapakain umano sa kanila ng panis na pagkain.
Maliban dito, hindi rin umano nila nagustuhan ang pamamalakad ng Jail Warden na si Jail Senior Inspector Norberto Miciano Jr.
Kaagad namang ni-relieve si Miciano sa pwesto at humalili sa kanya si Jail Chief Inspector Denver Beltran.
Si Palmejar ang Chief ng Security and Control Section ng nasabing Male Dormitory.
Paliwanag ni Dogelio, ang pag-relieve kay Miciano ay may layunin na hindi maapektuhan ang kanilang imbestigasyon sa reklamo ng mga preso.