Pumalo sa kabuuang bilang na 132 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang hindi inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) para maging bahagi ng mga local absentee voters ngayong eleksyon.
Batay sa impormasyong nakalap ng PNP-Public Information Office, hindi pasok sa mga panuntunan ng Comelec ang mga pulis na siyang itinakda para mapabilang sa local absentee voting na nagumpisa na ngayong araw.
Ilan sa mga grounds na tinitignan para hindi maaprubhan ang mga pulis ay maaring hindi makita ang pangalan ng mga ito mula sa listahan ng national list of registration of voters, ang nagsumite ng application ay hindi napanumpaan, hindi umabot sa itinakdang panahon ng aplikasyon, ang application form ay maaaring photocopy o facsimile copy lamang o hindi kaya’y ang certification portion ng pagiging LAV ay hindi nakumpleto o naisumite nang hindi nafill-upan ang lahat ng bahagi.
Samantala, ngayong araw naman ang umpisa ng local absentee voting sa Camp Crame kung saan pinangunahan mismo ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang naging botohan.
Tatagal naman ng hanggang Abril 30 ang botohan ng mga personnel ng PNP na siyang isinasagwa sa Multi-purpose center ng kampo hanggang 5:00pm ng hapon.