Tumama ang isang nakamamatay na buhawi at malakas na bagyo sa Mississippi at Alabama, na nag-iwan ng bakas ng pagkawasak ng higit 100 milya, ayon sa lokal at federal authorities ng lugar.
Hindi naman bababa sa 25 katao ang namatay sa Mississippi. Isang lalaki sa Alabama ang naunang nasagip ngunit kalaunan ay namatay sa kanyang pinsalang natamo.
Samantala ang operasyon ng paghahanap at pagsagip ay isinasagawa sa Sharkey at Humphrets, ayon sa Emergency Management Agency ng Mississippi. Naglabas din anila sila ng mga babala tungkol sa buhawi sa buong estado.
Ayon naman kay Pangulo ng United States na si Joe Biden, ipinagdarasal niya ang mga nawalan ng kanilang mga mahal sa buhay dulot ng naturang buhawi.
“The images from across Mississippi are heartbreaking. While we are still assessing the full extent of the damage, we know that many of our fellow Americans are not only grieving for family and friends, they’ve lost their homes and businesses,” pahayag ni Biden.
Dagdag pa niya “The images from across Mississippi are heartbreaking. While we are still assessing the full extent of the damage, we know that many of our fellow Americans are not only grieving for family and friends, they’ve lost their homes and businesses,”