Itinanggi ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) na nagiging illegal gambling haven ang Pilipinas sa gitna ng patuloy na pagdami ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas.
Sa budget hearing ng House appropriations committee sa 2020 budget ng PAGCOR, sinabi ni Senior Manager for Offshore Gaming Victor Padilla na noong 2005 pa nang magsimulang mag-operate ang POGO sa Pilipinas.
Ligal anila ang operasyon ng mga ito kahit noon pa bilang ang mga POGO ay sakop naman ng Cagayan Economic Zone Authority.
Kung titingnan, napapakinabangan pa nga raw ng gobyerno ang POGO sa pamamagitan ng mga nalilikom na pondo mula sa mga ito
Samantala, umaasa ang PAGCOR na makakamit nila ang kanilang projected income distribution para sa susunod na taon.
Tinaasan kasi nila ang kanilang 2020 projected income sa P75.178 billion, mula sa P73.887 billion estimated income ngayong 2019.
Target din kasi ng PAGCOR na taasan ang kanilang ibinibigay na share sa gobyerno sa P34.923 billion.
Taong 2017 ay aabot lang sa P27.174 billion ang government share ng Pagcor, at P32.170 naman noong 2018.
Habang bumaba naman ng P3.053 billion ang alokasyon ng ahensya para sa socio-civic projects na nasa P8.803 Billion na lamang sa 2