LAOAG CITY – Hirap ngayon ang grupong Manila Red Wolf Rider Club (MRWC) na makabili ng murang face mask na ibibigay sa mga residenteng apektado sa Batangas dahil sa ashfall ng Taal Volcano.
Ayon kay Mr. Albert Llobrera, namumuno sa MRWC na isang rider club, masyadong mahal ang isang pack ng face mask na dati ay P1 para sa isang piraso ngunit umabot na sa P250 para sa 50 piraso ng face mask o P5 para sa isang piraso.
Sinabi niya na sinasamantala na ng mga nagtitinda ng facemask ang pangangailangan ng mga kababayan doon sa Batangas.
Hindi naman ito hadlang para sa kanila ang pagmahal ng face mask upang makatulong sa mga residente sa nasabing lugar.
Magtitipon-tipon naman ang mga iba pang chapter ng MRWC para sa relief operation ng kanilang grupo sa Batangas.
Nanawagan na rin si Llobrera sa mga riding community na magbigay din kahit kauting tulong at sila na ang magde-deliver sa Batangas.