Itinanggi ni Public Works Sec. Mark Villar ang alegasyong interesado ang kanilang pamilya na maging water concessionaire sa Metro Manila.
Sa press briefing sa MalacaƱang, tahasang sinabi ni Sec. Villar na hindi sila interesadong agawin ang water supply deal na kasalukuyang hawak ng Maynilad at Manila Water.
Pero agad namang kumabig si Sec. Viullar na wala siya sa posisyon para magsalita sa ngala ng kanyang pamilya.
Magugunitang kamakailan ay nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na kakanselahin niya ang kontrata ng Maynilad at Manila Water kapag hindi nila tinanggap ang bagong kasunduan na inilatag ng gobyerno.
Una rito, inakusahan ni Pangulong Duterte na sobrang pabor sa dalawang kompanya ang kontrata na nagawa noong mga nagdaang administrasyon at agrabyado umano ang mga mamamayan.
Lumutang ang pamilya Villar sa water concessionaire issue nang mabanggit ito mismo ni Pangulong Duterte habang binabatikos ang Maynilad at Manila Water.
Ang pamilya Villar ang may-ari ng PrimeWater Infrastructure Corporation na siyang namamahala naman sa supply ng tubig sa ilang komunidad sa 36 na lalawigan.