-- Advertisements --
Tumanggi ang pamunuang humahawak sa Southern Luzon Expressway (SLEX) na suspendihin ang singil sa toll gate ng northbound nito dahil sa matinding traffic na epekto ng Skyway extension project.
Sa isang panayam tiniyak ni San Miguel Corporation president Ramon Ang na simula December 1 ay magbabalik normal na ang sitwasyon sa SLEX.
Inaasahan daw kasi na maaalis na sa kahabaan ng SLEX northbound ang malalaking equipment ng proyekto pagpasok ng Disyembre.
Bagamat humingi ng tawad ang kompanya, desedido pa rin ang Toll Regulatory Board na isulong ang toll rate suspension at pagpapataw ng multa sa SMC Tollways.
Ayon kay TRB board member Raymundo Junia, ipinatawag na nila sa isang pulong sa Biyernes ang mga opisyal ng SLEX at Skyway.