-- Advertisements --

Sinagot ni Vice President Sara Duterte ang mga naging pahayag ni 1st District La Union Rep. Paolo Ortega V sa mga naging bagong mga pangalan na siyang tinagurian ng opisyal bilang ‘Team Amoy Asim’ ang lumitaw bilang isa sa mga nakatanggap ng confidential funds mula umano sa opisina ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon sa Bise Presidente, naghain naman na ng impeachment case laban sa kaniya na kasalukuyan nang nasa tanggapan ng senado at maaari na nilang sabihin kung ano ang mga nais nilang sabihin patungkol dito.

Kasunod nito ay sinabi na rin ng pangalawang pangulo na sa kaniyang panig ay nagsumite na si Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ng kasong graft laban kay House Speaker Ferdinan Martin Romualdez nitong nakaraang buwan ng Pebrero para talakayin naman ang budget at kung ano ang nagyari sa kabuuan nito.

Nilalaman din umano ng complaints ni Alvarez ang mga constitutional infirmity at mga iregularidad sa budget kaya naman marapat lamang din aniya na masabi rin ng Pangalawang pangulo ang kaniyang mga nais sabihin.

Samantala, giit naman ng opisyal, hindi aniya ibig sabihin na pinupuna niya ang mga ginagawa ng mababang kapulungan sa bayan ay dapat na din niyang sagutin ang mga sinasabi nito tungkol sa kaniya.