-- Advertisements --

Nanawagan si House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe sa mga taga-Davao na manatiling kalmado at mahinahon sa gitna ng kaguluhan kaugnay ng tangkang pag-aresto sa lider ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa kasong child abuse, sexual abuse, at qualified human trafficking.

Iginiit ni Dalipe na hindi lahat ng Davaoeños ay sumusuporta o pumapayag sa mga ginagawa ni Quiboloy at mga tagasunod nito.

Nanawagan din si Dalipe sa mga opisyal ng gobyerno gaya ni Davao City Mayor Baste Duterte at Congressman Paolo Duterte na huwag proteksyunan ang wanted na si Quiboloy.

Hinimok din ni Dalipe ang mga opisyal ng siyudaf na tulungan ang mga otoridad para sumuko na lamang si Pastor Quiboloy.