Nilinaw ni Usec. Aaron Aquino, pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi lang nag-iisa ang tumatayong lider o drug queen ngayon sa Pilipinas.
Ang una umano niyang naibunyag ay drug queen ng “ninja cops,” kung saan binibili nito ang mga recycled na droga mula sa mga tiwaling pulis at iba pang nasa law enforcement na kasabwat sa drug related activities.
Habang may iba ring drug queen sa hiwalay na grupo.
Ito naman umano ang na-operate na nila, ngunit dahil sa impluwensya ay sila pa ang nabuweltahan na nagtanim ng droga sa bahay nito, kahit may mga saksi silang media nang isagawa ang raid.
Kaya naman, hangad nitong mapalakas ang kapangyarihan ng PDEA at mabigyan ng ilang improvement sa kanilang tanggapan.
Maliban sa PDEA related resolutions, tatalakayin din sa Senado ang Drug Rehabilitation Center Bills na inihain ng limang mambabatas.