Ipinag-utos ng Department of Migrant Workers ang pagsasara ng isang consultancy firm na hindi umano lisensyado.
Ito ay nangangako umano ng trabaho sa mga OFWs kahit na wala itong kaukulang legal na dokumento.
Naging matagumpay ito sa tulong ng Philippine National Police .
Tinukoy ang naturang Consultancy firm na Double D Training Consultancy Services na nakabae sa Maynila.
Ayon sa DMW, wala karapatan ang naturang firm na mag recruit at mag refer sa mga foreign employers ng Filipino seafarers. dahil wala silang lisensya para dito.
Batay sa naging pagmamanman ng mga awtoridad, na ang Double D Training Consultancy Services ay naniningil ng Php80,000 processing fee kada applicant para sa sea-based positions, tulad ng able-bodied seaman, oiler, at engineer.
Nanawagan naman ang pamunuan ng DMW sa mga naging biktima ng DDTC na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.