STAR FM CEBU- Inaabisuhan ngayon ang mga residente ng bayan sa Minglanilla Cebu na pagmumultahin ng aabot sa P500 kung hindi magsusuot ng facemask sa tuwing aalis ng bahay.
Base sa Ordinance No. 11 Series of 2020 na inamyendahan ng konseho sa nasabing bayan, kinailangan na magsuot ng facemask ang mga residente sa ng bayan habang nasa ilalim pa ito sa quarantine.
Kung sakali mang lalabag sa nasabing ordinansa ay pagmumultahin ng P300 oara sa first offense habang 500 naman sa second offense.
Binigyang konsiderasyon naman ang lahat ng klase ng facemasks tulad ng surgical, earloop, reusable or do-it-yourself masks.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa pinakahuling data, mayroong 72 na ang naitalang kumpirmadong kaso, 58 ang active case, 12 na ang naka recover at dalawa ang namatay.