-- Advertisements --
CEBU – Sugatan ang isang empleyado ng Department of Public Works and Highways matapos ginilitan ang leeg ng isa pang kostumer sa bayan ng Dalaguete, Cebu dahil sa hindi umano pagpapahiram ng mikropono sa isang videoke bar.
Kinilala ang biktima na si Ernie, 42 anyos, may asawa, tubong Barangay Poblacion, bayan ng Alcoy at ang suspek ay si Jesus, 69 anyos, dating seaman, mula sa Brgy. Banhigan sa nasabing bayan.
Lumabas sa imbestigasyon na nagseselos din ang suspek dahil inuna umano nga waitress na i-entertain ang biktima sa halip na siya na isang regular costumer.
Nagpalitan umano ang biktima at suspek ng mikropono sa pagkanta, ngunit nang ang suspek na ang kakanta ay tumanggi ang grupo ng biktima na ibigay ang mikropono.