-- Advertisements --
XI JINPING CHINESE
Chinese President Xi Jinping

Ipinaggitgitan ngayon ni Chinese President Xi Jinping na naging bukas at responsable ang kanilang bansa sa pagdala sa isyu ng coronavirus pandemic.

Ginawa ni Xi ang pahayag kasabay nang pagbibigay parangal sa apat na mga indibiwal na nagbigay ng malaking kontribusyon sa kanilang laban kontra sa COVID-19.

Kabilang sa binigyan ng parangal ay ang top respiratory disease expert na si Zhong Nanshan.

Una nang umani ng batikos ang China, maging kay US President Donald Trump dahil sa pagsisinungaling daw at pagtatago sa tunay na impormasyon ukol sa virus.

Tinawag pa ni Trump ang deadly virus bilang “China virus.

Paliwanag ni Xi naging transparent naman daw ang China at sinunod ang international obligations.

Binigyan diin pa ng lider na ang China ang unang major economy na nagbukas sa gitna ng matinding krisis.

Sa ngayon nangunguna raw ang China sa “economic recovery, virus control at prevention.”