-- Advertisements --

Papayagan pa rin na makapasada sa ilang mga ruta ang mga tradisyunal na dyip na hindi pa nakapag-consolidate ng kanilang prangkisa ngayong buwan hanggang sa Enero 1, 2024 ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa kasalukuyan base sa datos ng LTFRB, nasa less than 60% na ng mga dyip ang nakapag-consolidate ng kanilang mga prangkisa.

Ang LTFRB board naman ang siyang tutukoy sa naturang mga ruta.

Sa naturang period namn sinabi ng LTFRB na iisyuhan nila ng show cause order ang mga operator at tsuper na hindi pa nakapag-consolidate.

Una ng sinabi ng mga awtoridad na maaaring mawalan ng permit to operate ang mga tradisyunal na dyip kapag mabigo ang mga ito na mag-consolidate ng kani-kanilang indibidwal na prangkisa sa iisang prangkisa na lamang sa illaim ng kooperatiba o korporasyon sa itinakdang deadline sa Disyembre 31, 2023 bilang bahagi ng PUV modernization program.

Samantala, sa panig naman ng ilang transport groups, nagbabala ang mga ito sa posibleng krisis sa transportasyon sakaling pwersahang tumigil sa pamamasada ang libu-libong tradisyunal na dyip sa mga kalsada dahil sa kabiguang mag-consolidate. (With reports from Bombo Everly Rico)